Entertainment
TJ Monterde, niregaluhan si KZ Tandingan ng lote para sa kanilang dream home
Ibinahagi ni TJ Monterde na niregaluhan niya kamakailan ang kaniyang asawang si KZ Tandingan ng isang lote kung saan nila planong ipatayo ang kanilang dream home.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News153K nabasa

Ibinahagi ni TJ Monterde na niregaluhan niya kamakailan ang kaniyang asawang si KZ Tandingan ng isang lote kung saan nila planong ipatayo ang kanilang dream home.
Sa kaniyang nakaraang guesting sa podcast na “i-Listen” ni Kara David, ikinuwento ni TJ ang kanilang milestone habang pinagninilayan ang mga paghihirap na kaniyang pinagdaanan tatlong taon na ang nakalilipas, noong hindi siya sigurado kung hanggang saan makararating ang kaniyang singing career.



