Entertainment
SUV na minamaneho ni Niño Muhlach, bumangga sa ilang tindahan sa Antipolo; 1, nasugatan
Isang lalaki na kumakain sa paresan ang sugatan matapos na masalpok ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ni Niño Muhlach ang tindahan at ilan pang establisimyento sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal
Ni GMA News72K nabasa

Isang lalaki na kumakain sa paresan ang sugatan matapos na masalpok ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ni Niño Muhlach ang tindahan at ilan pang establisimyento sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong Linggo.
Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing tumawid ang sasakyan ni Muhlach sa kabilang bahagi ng kalsada at bumangga sa tatlong tindahan, kabilang ang isang paresan kung saan kumakain ang nasugatang lalaki. Kaagad naman siyang dinala sa ospital.



