Entertainment
Rochelle Pangilinan, kontesera na sa mga sayawan sa barangay noong menor de edad pa lang
Binalikan ni Rochelle Pangilinan ang kaniyang pagiging kontesera sa mga sayawan noong dalagita pa lamang siya. Dahil laki sa hirap, naranasan din niya na gawing "ulam" sa kanin ang kape.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News101K nabasa

Binalikan ni Rochelle Pangilinan ang kaniyang pagiging kontesera sa mga sayawan noong dalagita pa lamang siya. Dahil laki sa hirap, naranasan din niya na gawing "ulam" sa kanin ang kape.
Sa kaniyang nakaraang guesting sa “i-Listen” with Kara David, ikinuwento ni Rochelle na edad 13 o 14 na siya noon nang sumali na siya sa mga barangay dance contest.
“Hindi magaling, pero nakakasayaw,” paglalarawan ni Rochelle tungkol sa kaniyang talento.



