Entertainment
Rising OPM Band na Esremborak, saan nakuha ang pangalan?
Ibinahagi ng rising OPM band na Esremborak kung bakit ito ang napili nilang pangalan sa kanilang banda. Ikinuwento rin nila na mahal na presyo ng isang sahog na panggisa ang inspirasyon sa likod ng hit song nilang “Mahal
Ni JAMIL SANTOS,GMA News105K nabasa

Ibinahagi ng rising OPM band na Esremborak kung bakit ito ang napili nilang pangalan sa kanilang banda. Ikinuwento rin nila na mahal na presyo ng isang sahog na panggisa ang inspirasyon sa likod ng hit song nilang “Mahal Magmahal.”
Sa kanilang guesting sa Unang Hirit nitong Biyernes, ipaliwanag ni Myk Tamayo, bahista ng grupo, na hango sa kanilang lugar sa Taguig ang pangalang Esremborak.
“Bale na-invite ko sila sa bahay namin. Ako po, taga-East Rembo, Taguig na ngayon. Nakita nila na ‘yung East Rembo po ay isang mukha ng masa. Kaya po, naging ‘music of slum’ ‘yung pinanghawakan namin,” ani Myk.



