Entertainment
Perez Hilton, dinala sa ospital matapos siyang puntahan ng mga awtoridad sa kaniyang bahay
Dinala sa ospital ang American celebrity blogger na si Perez Hilton matapos rumesponde ang mga awtoridad sa kaniyang bahay kasunod ng nakaaalarmang livestream sa TikTok.
Ni GMA News125K nabasa

Dinala sa ospital ang American celebrity blogger na si Perez Hilton matapos rumesponde ang mga awtoridad sa kaniyang bahay kasunod ng nakaaalarmang livestream sa TikTok.
Ayon sa ulat ng People, na binanggit ang Miami-Dade Sheriff's Office (MDSCO), pinutahan nitong Miyerkules (oras sa Pilipinas) ng mga awtoridad ang bahay ni Hilton sa Florida matapos makatanggap ng maraming tawag mula sa mga nag-aalalang social media users na nakapanood ng naturang livestream.



