Entertainment
Nyoy Volante, ikinuwento kung paano napunta ang isinulat niyang hit song na 'Someday' sa ex niyang si Nina
Inilahad ni Nyoy Volante na siya ang sumulat ng hit song na “Someday,” na inawit ng kaniyang dating nobya at kapwa OPM singer na si Nina.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News96K nabasa

Inilahad ni Nyoy Volante na siya ang sumulat ng hit song na “Someday,” na inawit ng kaniyang dating nobya at kapwa OPM singer na si Nina.
Sa kaniyang nakaraang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Nyoy na sila pa noon ni Nina nang ibigay niya ang isinulat niyang kanta na “Someday,” na naging hit.
Paliwanag ni Nyoy, may hinahabol na deadline noon si Nina para sa album nito.



