Entertainment
Kris Aquino, hiling na umabot sana siya ng 60-anyos sa harap ng pagsubok sa kaniyang kalusugan
Inihayag ni Kris Aquino na umaasa siyang aabot siya sa edad na 60 sa kaniyang pagninilay tungkol sa kaniyang buhay at pamamaalam sa gitna ng hamon sa kaniyang kalusugan.
Ni GMA News31K nabasa

Inihayag ni Kris Aquino na umaasa siyang aabot siya sa edad na 60 sa kaniyang pagninilay tungkol sa kaniyang buhay at pamamaalam sa gitna ng hamon sa kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang guesting sa "Fast Talk With Boy Abunda," sinabi ng Queen of All Media na handa na siya sa anumang mangyayari sa kaniya.
"Mas natanggap ko na there is a beginning and an end. And mas kaya kong harapin na when I sleep, I may not wake up," sabi ni Kris.



