Entertainment
Kitchie Nadal at Barbie Almalbis, magsasama sa isang intimate show
Magsasama sa iisang entablado ang dalawang reyna ng Pinoy rock!
Ni GMA News134K nabasa

Magsasama sa iisang entablado ang dalawang reyna ng Pinoy rock!
Magkakaroon ng intimate show na pinamagatang “Crossfade” sina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis sa Oktubre 11, Linggo, sa Matchpoint Sports Bar and Events sa Mandaluyong City.
Magkakaroon ng mahahabang pagtatanghal ang dalawa, at magbubukas ang venue sa ganap na alas-6 ng gabi.
Bilang opening act ng dalawang rock icon, makakasama rin nila ang sumusikat na alternative-pop artist na si Bloo!



