Ipinagluluksa ng showbiz industry ang pagpanaw ng Filipino comedian na si Ate Gay, o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, sa edad 55 noong Nobyembre 1. Muling sulyapan ang kuwento ng buhay ni Ate Gay, batay sa mga kuwento ng kaniyang pamilya at mga malalapit sa buhay.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” binalikan ang lugar ng Tondo, kung saan nanirahan si Ate Gay at mas nakilala sa palayaw na “Kepong.”