Entertainment
Fernando Poe Jr., may hindi natapos na pelikula?
Ipinagdiwang noong nakaraang Agosto 20 ang kaarawan ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. Silipin ang koleksyon at kung papaano iniingatan ang mga ginawa niyang pelikula sa FPJ Studios. Alamin
Ni JAMIL SANTOS,GMA News37K nabasa

Ipinagdiwang noong nakaraang Agosto 20 ang kaarawan ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. Silipin ang koleksyon at kung papaano iniingatan ang mga ginawa niyang pelikula sa FPJ Studios. Alamin din kung totoo nga bang may hindi siya natapos na pelikula.
Sa espesyal na edisyon ng “Kay Susan Tayo! Vlogs,” binisita ng host na si Susan Enriquez ang FPJ Studios sa Quezon City sa ika-80 taon sanang kaarawan ng aktor.
Nagsisilbi itong museum ng mga kagamitan at memorabilia ni FPJ, at nandito rin ang opisina ng FPJ Productions na nagsasagawa ng restoration ng mga alaala ng “Da King.”



