Entertainment
Driver's license ng miyembro ng isang P-pop girl group, sinuspinde ng LTO dahil umano sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) at pinagpapaliwanag ang isang miyembro ng isang P-pop girl group dahil umano sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Ni GMA News67K nabasa

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) at pinagpapaliwanag ang isang miyembro ng isang P-pop girl group dahil umano sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Miyerkoles, nakarating umano sa kanilang tanggapan ang video ng naturang miyembro ng P-pop girl group na nire-record ang sarili habang nagmamaneho nang mahulog ang kaniyang cellphone.



