Entertainment
Dingdong Dantes, Coco Martin, sanib-puwersa para sa isang proyekto ng Aktor PH
Nagkita kamakailan sina Dingdong Dantes at Coco Martin upang pag-usapan ang isang bagong proyekto sa ilalim ng League of Filipino Actors o Aktor PH.
Ni GMA News147K nabasa

Nagkita kamakailan sina Dingdong Dantes at Coco Martin upang pag-usapan ang isang bagong proyekto sa ilalim ng League of Filipino Actors o Aktor PH.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actor at chairman ng Aktor PH na si Dingdong ang ilang larawan mula sa kanilang pagpupulong, kabilang ang isang litrato na masayang kasama si Coco.
Sa isa pang larawan, kasama nina Dingdong at Coco, sina Marian Rivera, Iza Calzado, Ricci Chan, at Joel Saracho.



