Entertainment
Derek Ramsay: 'All my vehicles have proper plates'
Naglabas ng pahayag si Derek Ramsay tungkol sa pagkakadwit ng kaniyang pangalan sa ginagawang imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng isang supercar na nakitang gumagamit umano ng pekeng plaka o plat
Ni GMA News41K nabasa

Naglabas ng pahayag si Derek Ramsay tungkol sa pagkakadwit ng kaniyang pangalan sa ginagawang imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng isang supercar na nakitang gumagamit umano ng pekeng plaka o plate number.
Sa kaniyang Instagram Story na iniulat din sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Linggo, sinabi ng aktor na alam niya ang isyu at nilinaw niyang hindi siya nagmamaneho ng anumang sasakyang may pekeng plaka.
"All my vehicles have proper plates," saad ng aktor. "Please carefully read the statement issued by LTO to properly understand what is happening."



