Entertainment
'Dagul,' nanood lang ng noontime show noon nang alukin na mag-artista ni Randy Santiago
Binalikan ng komedyanteng si Romeo Pastrana, o mas kilala bilang si Dagul, kung paano siya natuklasan sa showbiz, at kung sino ang nagbigay sa kaniya ng sikat niyang screenname.
Ni JAMIL SANTOS,GMA News113K nabasa

Binalikan ng komedyanteng si Romeo Pastrana, o mas kilala bilang si Dagul, kung paano siya natuklasan sa showbiz, at kung sino ang nagbigay sa kaniya ng sikat niyang screenname.
Sa kaniyang nakaraang guesting sa “Kay Susan Tayo! Vlogs,” ikinuwento ni Dagul, na taga-Bacolod, na taong 1998 nang magpunta siya sa Maynila.
Pakay lamang ni Dagul noon na mamili ng mga paninda sa Baclaran, saka niya ito iuuwi sa probinsya.



