Entertainment
Cai Cortez sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo: '20 years in the making'
Natupad na ni Cai Cortez ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ni GMA News99K nabasa

Natupad na ni Cai Cortez ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ibinahagi ni Cai sa social media ang kaniyang tagumpay nang makapagtapos siya sa kolehiyo sa kursong bachelor's degree sa political science mula sa University of Makati.
"20 years in the making," caption ni Cai sa kaniyang post, na sinamahan niya ng teary-eyed emoji.
Inialay ni Cai ang tagumpay sa kaniyang mga magulang -- ang beteranong aktor na si Rez Cortez at ang asawa nitong si Candy.



