Entertainment
Angelina Jolie, dumating na sa Pilipinas para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit
Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood star na si Angelina Jolie para magsalita sa gaganaping 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit.
Ni GMA News115K nabasa

Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood star na si Angelina Jolie para magsalita sa gaganaping 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit.
Lumapag ang eroplanong sinakyan ng aktres sa Ninoy Aquino International Airport nitong Martes ng umaga, isang araw bago ang idaraos na 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila sa Nobyembre 11.
Isa si Jolie sa mga pangunahing magsasalita sa summit na dadaluhan ng mga lider mula sa iba't ibang sektor upang talakayin ang pag-unlad ng ekonomiya sa Southeast Asia.



