Entertainment
Angel Locsin sa 'komunistang' si Robin Padilla: 'Nasaan ka nu'ng panahong nirered-tag ako?'
Pinuna ni Angel Locsin nitong Huwebes si Senator Robin Padilla matapos sabihin ng actor-politician na isa siyang "komunista" sa ginanap na Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Martes.
Ni GMA News99K nabasa

Pinuna ni Angel Locsin nitong Huwebes si Senator Robin Padilla matapos sabihin ng actor-politician na isa siyang "komunista" sa ginanap na Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Martes.
"Ang tanong ko lang, nasaan ka nu’ng panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan 'yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan," puna ni Angel sa social media post.



