Entertainment
Alden Richards, naging emosyonal nang magpag-usapan ang tungkol sa love life sa 'Gandang Gabi Vice'
Hindi napigilan ni Alden Richards na maging emosyonal nang mapag-usapan sa kaniyang guesting sa new season ng “Gandang Gabi Vice” nitong Linggo ng gabi ang tungkol sa kaniyang love life.
Ni GMA News148K nabasa

Hindi napigilan ni Alden Richards na maging emosyonal nang mapag-usapan sa kaniyang guesting sa new season ng “Gandang Gabi Vice” nitong Linggo ng gabi ang tungkol sa kaniyang love life.
Ayon sa binata, tila mailap sa kaniya ang pag-ibig sa nakalipas na 15 taon sa kabila ng kaniyang paghahanap.
Pero itinigil na daw niya muna ang paghahanap matapos ang nakaraan niyang relasyon.



