National
Lalaking nahuli umanong nagnanakaw ng manok, patay nang pukpukin ng semento sa ulo ng may-ari
Nasawi ang isang lalaking nagnanakaw umano ng panabong na manok matapos siyang hatawin sa ulo ng tipak ng semento ng may-ari nito sa Consolacion, Cebu.
লেখক GMA News127K বার পড়া

Nasawi ang isang lalaking nagnanakaw umano ng panabong na manok matapos siyang hatawin sa ulo ng tipak ng semento ng may-ari nito sa Consolacion, Cebu.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, isinalaysay ng may-ari sa pulisya na natutulog siya nang magising at mapansing kinukuha na ng lalaki ang kaniyang panabong na manok.
Kaya pinukpok niya sa ulo ang lalaki gamit ang isang tumigas na tipak ng semento.

