National
'Bulalot' o bulalo na may balut, paldo ang kita sa Bulacan
Perfect ngayong tag-ulan ang mainit na bulalo, na may lamang gulay, laman at bone marrow at malasang sabaw. Pero ang isang kainan sa Malolos, Bulacan, may masarap na twist sa bulalo dahil sinamahan pa nila ito ng balut.
লেখক JAMIL SANTOS,GMA News159K বার পড়া

Perfect ngayong tag-ulan ang mainit na bulalo, na may lamang gulay, laman at bone marrow at malasang sabaw. Pero ang isang kainan sa Malolos, Bulacan, may masarap na twist sa bulalo dahil sinamahan pa nila ito ng balut.
Sa nakaraaang episode ng “Pera Paraan,” itinampok ang Zhig’s Bulalord Restobar na pagmamay-ari ni Jenalyn Aya at kaniyang mga kaibigan. Nagsimula lang sila sa isang simpleng food cart, kung saan puwedeng kumain ang mga customer sa isang mesa.



