Entertainment
It's a boy!: Alex Gonzaga, nanganak na
Isinilang na ni Alex Gonzaga ang baby nila ni Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.
লেখক GMA News Online54K বার পড়া

Isinilang na ni Alex Gonzaga ang baby nila ni Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.
Nitong Biyernes, nagbahagi sa Instagram ang kaniyang shapewear brand na Sizzies PH, ng isang carousel post na may cover photo ni Alex na buntis.
"Congratulations are in order. Our OG Sizzie is officially a mommy!," saad nito sa caption.
Dahil dito, nagsagawa sila ng isang “celebration sale,” at nagbigay sila ng diskuwento sa lahat ng mga paboritong produkto ni Alex, ayon sa Sizzies.
Kasunod ang naturang post nang nauna nilang mensahe ng pagbati kay Alex.


