Entertainment
Sparkle, naglabas ng pahayag bilang suporta kay Mikee Quintos
Naglabas ng pahayag nitong Biyernes ang Sparkle GMA Artist Center bilang suporta kay Mikee Quintos, na kabilang ngayon sa mga housemate sa "Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0."
بقلم GMA News137K قراءة

Naglabas ng pahayag nitong Biyernes ang Sparkle GMA Artist Center bilang suporta kay Mikee Quintos, na kabilang ngayon sa mga housemate sa "Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0."
Ayon sa talent management agency, napansin nila ang mga malisyoso at mapanirang pag-atake laban kay Mikee mula sa ilang grupo ng fans at tao, kabilang ang mga account na pinaghihinalaang magkakaugnay sa pagsasagawa ng online harassment.
"Let this serve as a stern warning: Sparkle will not tolerate the deliberate use of social media platforms against any of our artists and will not hesitate to file the appropriate criminal charges," saad ng Sparkle.



